-- Advertisements --

Tiniyak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi magiging sagabal ang kanilang sariling pagsisiyasat sa isyu ng korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ibang investigating body.

Matatandaang una nang inatasan ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang sinasabing mga katiwalian sa gaming operations ng PCSO.

Para kay Sotto, hindi lang simpleng pagsusuri sa mga aktibidad ng nasabing tanggapan ang nais nila kundi ma-review na rin ang iba pang sistema na nangangailangan na ng pagbabago.

Ipinauubaya naman nito ang mabusising pag-iimbestiga kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.