-- Advertisements --
Sisikapin ng mga senador na tapusin na ang pagdinig ukol sa kwestyunableng pagpapalaya sa ilang convicted criminals na sangkot sa heinous crime sa ilalim ng patakaran ukol sa good conduct time allowance (GCTA).
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ipupursige nilang makuha ang mga kinakailangang sagot sa mga opisyal ng BuCor at DoJ para mabuo ang kanilang report.
Oobligahin din si BuCor Dir. Gen. Nicanor Faeldon na isumite ang lahat ng mahalagang papeles, para maisama ito sa pagsusuri ng komite.
Itinakda ni Senate committee on justice at blue ribbon chairman Sen. Richard Gordon ang susunod na Senate inquiry bukas sa ganap na alas-3:00 ng hapon.