CENTRAL MINDANAO-Namigay ng mga relief packages sa mga pamilyang calamity survivors na nakatira sa Maguindanao del Norte ang Senate Spouses Foundation, Inc sa 6th Infantry Division Gymnasium.
Ang myembro ng SSFI ay mga maybahay ng mga senador ng bansa kung saan pinangunahan ni Mrs. Audrey Tan-Zubiri – President of SSFI, Mrs. Elvira Tootsy Angara – Secretary of SSFI at Mrs. Kathryna Yu Pimentel – Treasurer of SSFI.
Mainam umanong pagtibayin ang tahanan ng isang pamilya dahil ito ay pondasyon nang ating komunidad, ayun kay Mrs. Zubiri.
“Nakapaloob sa mga package na ito ang hygiene kits, relief packs at shelter materials. Naway sa simulaing ito manatili tayong matatag sa anumang pagsubok na ating hinaharap”, dagdag ni Mrs. Zubiri.
Tinanggap naman ng mga Local Chief Executives ng mga munisipyo nasa Maguindanao del Norte at Cotabato City ang mga relief goods. Nakapaloob dito ay 500 hygiene kits, 236 corrugated roof at 500 DSWD relief goods.
Nariyan din ang presensya nina Joint Task Force Central at 6ID Commander Major General Roy Galido, Member Parliament Rasul Esmael, MP Suharto Ambolodto, Maguindanao Del Norte Governor Bai Ainee Sinsuat, DOS Mayor Lester Sinsuat, Datu Blah Sinsuat Mayor Datu Marshall Sinsuat, Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at Matanog Mayor Sohria Bansil Guro kasama ang iba pang mga organisasyon.
Ang himpilan ng 6ID ay nagsilbing Centralized Hub ng relief goods na kinabibilangan ng mga Food at Non-food items mula sa mga donasyon ng iba’t-ibang organisasyon at sangay ng gobyerno ayun kay Maj. Gen. Galido.
“Ito ang inatas sa atin ng Commander-in-Chief at Pangulo ng bansa, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., at ating siniguro na mapupunta ito sa mga nangangailangang pamilya sa tulong na rin ng mga ahensya ng gobyerno”, dagdag pa nito.