-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inamin ng senate whistleblower na si Mr. Jeffrey Celiz o mas kilala bilang “Ka Eric Almendras” na planado ang pagpaskil ng mga posters na kumukundena sa New People’s Army sa ibat’ibat bahagi ng Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Celiz, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng Sentrong Alyansa ng Mamamayan para sa Bayan o SAMBAYANAN sa ilang lungsod at lalawigan kagaya ng Bicol, Masbate, Metro Manila, Cebu, Bohol, Negros, Iloilo at iba pang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Celiz, paraan nila ito upang ipakita ang galit ng publiko sa terorismo kung saan higit na sa 50,000 katao ang namatay dahil sa sigalot sa pagitan ng tropa ng gobyerno at rebelde.

Napag-alaman na ngayong araw ang founding anniversary ng CPP-NPA.