-- Advertisements --

ILOILO CITY – Malaki ang posibilidad na ang self-confessed former rebel at government whistleblower na si Jeffrey Celiz na nagpakilala rin bilang si Ka -Erick Almendras ang siyang nagsuplong kina Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog at pinaslang na drug lord na si Melvin Odicta sa mga otoridad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jobert Pahilga, kamag-aral ni Celiz sa West Visayas State University at itinuro ng whistleblower na umano’y abogado at recruiter ng mga rebelde, sinabi nito na inamin mismo ni Celiz na covert operative siya ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na intelligence arm ng militar.

Ayon kay Pahilga, nangangahulugan lang na si Celiz mismo ang nagpapatay sa drug lord na si Melvin at sa maybahay nito na si Miriam Odicta na kanya ring naging kaibigan noon sa Iloilo City.

Napag-alaman din anya na si Celiz ay dating tagapagsalita ni Mayor Mabilog at posibleng ito rin ang nagbigay ng impormasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na protector ang alkalde ng drug lord.