-- Advertisements --
ILOILO CITY – Kinumpirma ng Senate Blue Ribbon Committee na ligtas at in-contact sa ilang indibidwal ang Pharmally Pharmaceutical Corporation executive na si Krizle Mago.
Ito ay matapos ibinunyag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon na hindi na mahagilap ang nasabing whistleblower na nagbunyag na pinalitan ang manufacturing date ng face shield na ibinenta sa PS-DBM.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Sen. Risa Hontiveros, sinabi nito na ayon sa kanyang natanggap na impormasyon, nakigpag-ugnayan si Mago sa ilang grupo at kinumpirma na ligtas ito.
Inalok rin ni Hontiveros si Mago na bigyan ng proteksyon kapalit ng kanyang pagbunyag sa anomaliya sa kontrata ng Pharmally at PS-DBM.