-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang batikos sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay isang corrupt na opisyal.
Sinabi nito na malinis ang kaniyang konsensiya at nanatiling malinis ang pangalan sa ilang dekada sa public service.
Mula aniyang pumasok siya sa public service noong 1986 ay tinitiyak nitong sumusunod ito sa pinakamataas na moral standard.
Magugunitang sa “talk to the people” ng pangulo, ikinumpara nito ang kaniyang panunungkulan kina Drilon at Sen. Richard Gordon na hindi raw siya korap katulad ng dalawang mambabatas.