-- Advertisements --
Ikinokonsidera ni Senator Richard Gordon na tumakbo muli bilang pangulo ng bansa sa darating na 2022 elections.
Sinabi nito na kaniyang pinag-aaralang mabuti ang nasabing posibilidad at kumunsulta na rin ito sa ilang mga eksperto.
Dagdag pa nito, mayroon pa siyang hanggang Oktubre para tuluyang magdesisyon kung papasukin ba nito ang pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa.
Ipinagmalaki rin nito ang naging magandang record niya bilang public servant ng bansa.
Magugunitang noong 2010 at 2013 ay tumakbo rin ito sa pagkapangulo subalit parehas na hindi pinalad.