-- Advertisements --
image 309

Nanawagan si Senator Grace Poe sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na pabilisin ang pagpapalabas ng implementing rules and regulations (IRR) ng Public Service Act (PSA), na nagpapagaan ng mga paghihigpit sa pamumuhunan ng foreign capital sa ilang industriya.

Ang Public Service Act, na nilagdaan noong March 21, 2022 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nag-amyenda sa Commonwealth Act No. 146 sa pamamagitan ng pagluwag ng mga paghihigpit sa mga dayuhan na ganap na magkaroon ng mga negosyo sa bansa.

Iginiit ng senadora, na nais niyang umapela sa executive, partikular sa National Economic Development Authority (NEDA), na bilisan ang pagbalangkas ng implementing rules and regulations o IRR para tuluyang maisakatuparan ang mga benepisyo ng Public Service Act.

Partikular na pinahihintulutan ng Public Service Act ang ganap na dayuhang pagmamay-ari ng mga negosyo sa mga piling industriya tulad ng telecommunication.

Gayunpaman, ang nasabing batas ay hindi sumasaklaw sa mga pampublikong sasakyan, tubig, kuryente, mga pipeline ng petrolyo at mga daungan.

Una na rito, bukod sa Public Service Act, ipinasa din ng administrasyong Duterte ang Foreign Investments Act at ang Trade Liberalization Act para bigyang-daan ang mas maraming foreign capital at palakasin ang ekonomiya na pinagbabatayan ng pandemya ng COVID-19.

Top