Senator Imee Marcos bumisita sa Gensan; RCEP program ng Gobyerno tinalakay
Unread post by bombogensan » Mon Mar 13, 2023 4:59 am
GENERAL SANTOS CITY – Personal na bumisita si Senator Imee Marcos dito sa Lungsod ng General Santos.
Ilan sa mga programa na kanyang tinalakay ay ang tungkol sa RCEP o Regional Comprehensive Economic Partnership program.
Ibinunyag ng senadora na wala pang kasiguraduhan kung epektibo ang RCEP hinggil sa pagpapaunlad sa aspeto ng agrikultura ng bansa kaugnay ng nabanggit na programa.
Matatandaan na ang RCEP ay magiging tulay sa malayang kalakan at pag-unlad ng agrikultura sa Pilipinas.
Ayon dito, masaya siyang dumalo sa talakayan kaugnay ng pagsasaka at agrikultura na isang proyektong sinimulan niya noong 2021.
Sa kabilang banda, suportado naman nito ang plataporma ng lokal na pamahalaan ng Gensan kung saan sinabi niya na ang kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr. ay isa sa mga nangunguna sa paglikha ng General Santos City, gayundin ang pagpapaunlad ng proyektong pabahay nito na itinayo sa Barangay Fatima Uhaw sa lungsod na ito na tinawag ni Imee na “Bliss Housing”.