-- Advertisements --
IMEE

Nananawagan si Senator Imee Marcos, chair ng Senate committee on economic affairs, na itutuloy na ng committee sa Kamara ang imbestigasyon nito sa rampant agricultural smuggling sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa senador, sinabi nitong kailangan nang panagutin ang mga responsable sa large-scale smuggling sa lalong madaling panahon.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nakansela ang inquiry ng House committee ways and means sa pamumuno ni Sultan Kudarat 2nd District Rep. Horacio Suansing Jr.

Bago pa man ang nakatakda sanang inquiry, pinangalanan na ng naturang mambabatas ang iilang indibidwal na umano’y nasa likod ng illicit importation ng milyun-milyong halaga ng farmed goods.

Ayon naman kay Senator Marcos, sa lebel ng Upper House, itutuloy umano ang hearing hanggang ma-file ang charges at maipakulong ang smugglers at ang kanilang mga kaalyado sa gobyerno.

Delayed reaction na umano ito lalo na’t 2016 pa nang naipasa ang Republic Act No. 10845 o ang batas na nag-deklara ng large-scale agricultural smuggling na katumbas sa economic sabotage, ngunit hanggang ngayon, wala pang smuggler na nakukulong.