-- Advertisements --
https://www.instagram.com/p/CDw4BBGjpvq/

Pinili ni Democratic presidential candidate Joe Biden si Senator Kamala Harris bilang kaniyang vice presidential candidate sa November elections.

Ang nasabing senadora ang siyang magiging unang black woman na tatakbo sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa politika sa Amerika.

Mula pa sa umpisa nang ianunsiyo ni Biden ang kanyag kandidatura ay matagal ng itinutulak ang California senator na may lahing Indian-Jamaican.

Bilang isang dating prosecutor at dati ring state attorney-general ay isinusulong nito ang reporma sa mga kapulisan lalo na ang nagaganap na anti-racism protest.

Nakilala rin si Harris sa kanyang agresibong istilo sa pagkuwestiyon sa Senado lalo na noong 2018 Supreme Court confirmation hearing kay judge Brett Kavanaugh.

Si Kamala ay 55-anyos na at 77-anyos naman si Biden.

“I have the great honor to announce that I’ve picked @KamalaHarris — a fearless fighter for the little guy, and one of the country’s finest public servants — as my running mate,” ani Biden sa kanyang Twitter account.

Sa kanya namang social media account todo pasalamat si Harris sa pagpili sa kanya.

“Joe Biden is a leader who can unify the American people, because he’s spent his life fighting for the American people. And as president, he will build an America that lives up to our ideals. I’m honored to join him as our party’s nominee for Vice President, and do everything it takes to make @JoeBiden our next Commander-in-Chief.”

Makakaharap ng dalawa ang tandem nina US President Donald Trump at Mike Pence na pambato ng Republicans.