-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Senator Panfilo Lacson na ito ay tatakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Sinabi ng senador na nagdesisyon na ito at ang napili niya para maging ikalawang pangulo ay si Senator Vicente “Tito” Sotto III.

Nagdesisyon aniya sila matapos ang isinagawa nilang consultative meeting sa iba’t-ibang sekta at mga local officials.

Magugunitang noon pang Hunyo ng sinabi ni Lacson na tatakbo ito sa pagkapangulo ng bansa sa darating na 2022 elections.