Pinasalamatan ni Senator Robin Padilla ang kaniyang mga fans at followers dahil sa pagpaparating ng pagdarasal para sa mabilisan nitong paggaling.
Ito ay matapos na sumailalim siya sa isang heart procedure nitong Sabado.
Sinabi nito na wala itong anumang sakit at nagkaroon lamang siya ng high blood noong pagkatapos ng halalan noong Mayo.
Mula kasi noong sila ay pumasyal sa Spain pagakatapos ng halalan ay doon na hindi bumaba ang kaniyang blood pressure.
Ilang procedure ang ginawa aniya sa kaniya sa Cardinal Santos hospital gaya ng endocopy, colonscopy, pulmonary test at pumasa naman ito habang ng magpa 2D echo sa puso ay pinayuhan siya na magpatingin sa cardiologist kay lumipat siya Asian Hospital.
Mayroong nakitang bara sa kaniyang puso kaya sumailalim ito sa heart procedure.