Magsasagawa ng panibagong pagdinig ang Senado sa darating na Lunes, Agosto 5, may kaugnayan sa pagkalat ng mga pekeng government documents.
Ito ang ibinunyag ni Senator Pia Cayetano, chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, kasabay ng pagdalo nito noong Miyerkules, Agosto 31, sa huling araw ng National Cacao Congress 2024 sa lungsod ng Cebu.
Sinabi pa ni Senator Cayetano na nakakatakot ang mga lumalabas na ulat sa mga nakalipas na buwan na talagang may mga kumakalat na pekeng birth certificate at passports kaya naman patuloy aniya ang kanilang isagawang malalimang imbestigasyon.
Aniya, may mga lugar pa umano na parang mga hotspots kaya nais nilang malaman kung ano na ang nangyari doon at kung sinu-sino ang mga responsable.
Nilinaw naman nito na hindi law enforcement agency ang senado.
Partikular na tinukoy ng senadora ang Senate Blue Ribbon na maaaring mag-imbestiga in aid of legislation upang makita kung ano nga ba ang mga problema.
Dagdag pa, na titingnan nito hindi lang ang mga pagkukulang kundi maging ang kabiguang kumilos, at paggawa ng katiwalian ng mga government agencies.
Kaya naman aniya, gagawa sila ng rekomendasyon kung kailangang may masisante o mabigyan ng parusa sa kanilang mga aksyon o ng hindi pagkilos.