-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Senator Raffy Tulfo para sa panukalang buhayin ang imbestigasyon ng Senado sa multi-bilyong medical supplies deal sa pagitan ng gobyerno at Pharmally Pharmally Pharmaceutical Corp.

Binigyang diin ng Senador ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng imbestigasyon na aniya ay nananatiling kwestyonable.

Aniya, kaialangang ipagpatuloy ang naturang imbestigasyon dahil dapat na maipalam sa mga mamamayang Pilipino kung gaano sila kaseryoso sa pag-imbestiga sa naturang isyu na isang national concern. Kayat ipagpapatuloy aniya ang imbestigasyon.

Nauna ng sinabi ni Senator Risa Hontiveros na maghahain ito ng isang resolution para buhayin ang imbestigasyon sa Pharmally na suportado din ni Senator Aquilino Pimentel III.

Nagpahayag din ng suporta sina Senator Franklin Drilon at Richard Gordon para sa revival ng Pharmally investigation.

Top