-- Advertisements --
Iginiit ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., ang patuloy na nagkakaisang suporta ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ani Revilla, ang Lakas-CMD ang dominanteng political party ng bansa at nananatiling nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Party President na si House Speaker Martin Romualdez.
Tumatayo naman bilang Co-Chairman ng Lakas-CMD si Revilla.
Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng naging isyu na idinulot ng pagpapalit kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker.
Inihayag ng senador na ang pagkakaisa ng partido ay pinagtibay at pinagbigkis ng pagsasama at pag-uunawaang hinubog at pinanday na ng panahon.