-- Advertisements --
image 408

Inihayag ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na hindi siya hihingi ng proteksiyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa nakatakdang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Duterte administration.

Subalit hinikayat ng Senador ang Pangulo na protektahan ang soberaniya ng ating bansa.

Ang usapin aniyang ito ay isang panloob na isyu ng bansa at iginiit na gumagana ang justice system sa ating bansa kayat kinuwestyon nito ang pangingialam ng ICC dito.

Sinabi din ng mambabatas na hindi dapat balasubasin ang soberaniya ng bansa at dapat na protektahan ito ng kahit sinumang nakaupo sa Malacañang.

Sa panig naman ni Senator Jinggoy Estrada, sinabi nito na kung may warrant of arrest man dito sa Pilipinas ay dapat ang korte ng Pilipinas ang magiisyu.

Sa datos ng pamahalaan, nasa mahigit 6,200 katao ang napatay sa mahigit 200,000 anti-drug operations subalit sa pagtaya ng ICC prosecutors papalo sa 12,000 hanggang 30,000 ang death toll.