Ikinatuwa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa ang naging desisyon ng pamahalaan na hindi na sumapi muli sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Senator Dela Rosa, aminado ito na bilang ikalawa sa akusado sa imbestigasyon ng drug war ng ICC at dating PNP chief na nanguna sa drug war campaign ng Duterte administration na naging masaya ito sa naging desisyon ng Pangulong Bongbong Marcos.
Giit ng Senador na walang compelling reason para makibahagi muli ang bansa sa ICC at payagan silang makialam sa internal affairs ng bansa dahil maging ang makapangyarihang bansa gaya ng US, Russia, China, Israel at ibang bansa ay tumangging umanib sa ICC.
Nauna namang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na kailangang ipagpatuloy ng Marcos administration ang reapplication ng bansa bilang kasapi ng ICC para mabigyan ang mga Pilipino ng isang “court of last resort” sa kaso ng pang-aabuso at human rights violations.
Una na ring inimbitahan ng ICC ang gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng obserbasyon sa request nito para buksan muli ang imbestigasyon sa drug war campaign ng duterte admisnitration na ikinasawi umano ng libu-libbong mga drug suspects.
Nabigyan ang gobyerni ng hanggang Setyembre 8, ng taong kasalukuyan para magibiya ng obserbasyon sa planong pagpapatuloy ng imbestigasyon.