-- Advertisements --
Sen Joel Villanueva

Ikinalungkot ng mga senador ang pagkaka-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure Bill o kilala rin bilang Anti-Endo Bill.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, nanghihinayang siya sa effort na ginawa ng mga mambabatas para mabuo ang panukala.

Matatandaang mahabang konsultasyon ang pinagdaanan nito, nasundan ng hearings at mga debate, bago naipasa sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso.

Ganito rin ang naging saloobin ng ibang minority lawmakers.

Para naman sa panig ng pangunahing nagtulak ng panukala na si Sen. Joel Villanueva, nais daw muna niyang makita ang veto message bago siya magbigay ng komentaryo.

Habang si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay nangakong muling isusulong ang approval ng Security of Tenure Bill sa 18th Congress.