-- Advertisements --

Ipauubaya na lang ng mga senador kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga pulis na kasama sa listahan ng “ninja cops” o sangkot sa pag-recycle ng iligal na droga.

Ayon kay Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon, nagpapasalamat siya sa basbas ng mga kasamahang senador para isapubliko ang nilalaman ng executive session.

Umabot sa 17 senador ang pumabor na ilabas ang listahan na nagmula sa data ni dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kaya naman, si Sen. Bong Go na lang ang magpapaabot ng listahan kay Pangulong Duterte.

Para kay Go, dapat mamatay ang mga pulis na siniswelduhan ng gobyerno pero nagiging kalaban pa ng lipunan dahil sa drug related activities.