Hati ang reaksyon ng mga mambabatas sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapasara sa lahat ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos lumutang ang issue ng korupsyon.
Agad dumepensa ang mga kaalyado ng pangulo at iginiit na may dahilan si Duterte sa likod ng kautusan.
Ayon kay Sen. Lito Lapid, na siyang chairman ng Senate Committee on Games and Amusement, hindi dapat pagduduhan ang utos ng pangulo dahil tiyak na may basehan ang intelligence network nito.
“Sa lahat ng mga nanunungkulan ngayon, si Panguolng Duterte ang may pinakamalawak na intelligence network kung kaya’t kapag sinabi niyang may nakikita siyang malaking anomalya ukol sa pagpapatakbo ng mga laro ng PCSO tulad ng small town lotteries (STL) at lotto, dapat natin itong paniwalaan,” ani Lapid.
Kumbinsido naman si Senate Pres. Tito Sotto, na bubuksan ding muli ng pangulo ang operasyon nito, dahil sa ngayon ay malinaw umano na nais nitong linisin ang mga prangkisa ng PCSO.
Kanya-kayang mungkahi naman ang ilan pang senador.
Para kay Sen. Sherwin Gatchalian, makabubuti kung pribadong sektor na lang ang humawak sa operasyon ng lotto at mga casino para diretsong maipapasok ang kita nito sa Department of Social Welfare and Development.
“This way we can avoid the mishandling of funds that are supposed to be allocated to help the poor,” ani Gatchalian.
Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, dapat idamay na rin ang operasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa shutdown kung talagang nais ng administrasyon na itigil ang lahat ng uri ng sugal.
“It’s like this: if the intention is to stop gambling altogether, then all forms of gambling, including the PAGCOR-regulated games like casinos and online should have been included,” ani Lacson.
“Since it doesn’t appear that way, then lotto outlets should have been spared since there are no reports of revenue cheating as far as lotto operations are concerned because they are computerized and automated and therefore closely monitored – unlike STL where PCSO, for millions of reasons, has consistently resisted to make it more transparent and foolproof.”
Pero para kay Sen. Risa Hontiveros karapatang malaman ng publiko ang detalye ng sinasabing korupsyon dahil tila diversionary tactic ito ng pamahalaan sa hindi pagpasa ng Security of Tenure Bill.
Pinuna naman ni Sen. Nancy Binay ang buhos na antensyon ng PNP sa pagpapasara ng gaming outlets at tila pagtalikod umano sa paglutas ng mga krimen.
“Instead of wasting their time in closing down lotto outlets, bakit di nila pagdiskitahan habulin at hulihin ang mga nasa wanted list nila, o yung mga insidente ng patayan sa Negros? Mobilizing the police force to quell gambling activities over investigating deaths of unarmed civilians only shows the PNP’s misplaced sense of priority,” ani Binay.
Batay sa datos ng PCSO, nasa higit 11,100 ang bilang ng kanilang agents para sa gaming schemes na Lotto at Keno noong 2018
Nasa higit 2,000 rito ang sa Keno, habang halos 9,000 para sa Lotto.
Mas mataas ng higit 100 mula sa 11,005 na total agents noong 2017.