Plano ngayon ng liderato ng Senado na pulungin ang mga miyembro nito upang magkaroon ng malinaw na pagtalakay sa posibleng pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nais din nilang makita ang pananaw ng bawat senador sa isyu.
Matatandaang ang Senado rin kasi ang nag-ratify sa nasabing treaty.
Pero nilinaw nitong executive ang may higit na kapangyarihan sa mga tratado at hindi ang legislative branch ng pamahalaan.
Para naman kay Sen. Panfilo Lacson, dapat maghinay-hinay sa desisyon ukol sa pagbasura sa VFA dahil baka kalaunan ay mas maging dehado pa ang Pilipinas sa kahihinatnan nito.
Naniniwala rin ang senador na ang pagkansela sa visa ng ilang opisyal ng Pilipinas ay hindi dapat mangahulugan ng tuluyang pagbasura sa isang mahalagang treaty.
“Of course they are trying to rectify that by saying na yan lang ang parang finally nag-break ng camel’s back, so to speak. Pero kung yun lang talaga ang reason, I don’t see the proportionateness noong stake. Kasi initially that was the only reason advanced by the President, kung hindi i-correct, he threatened to abrogate,” wika ni Lacson.