Bigo pa rin ang Senado na makompleto ang distribusyon ng committee chairmanships, matapos ang nangyaring pulong kagabi.
Pero halos 95 percent na rin naman itong tapos.
Ginanap ang pag-uusap ng incumbent at newly proclaimed senators sa bahay ni Sen. Manny Pacquiao sa Dasmariñas Village, Makati City.
Pero sa nasabing meeting na pinangunahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, halos 95% na ang kanilang naplantsa.
Nasa 20 pro-administration senators ang dumating na kinabibilangan nina Sens. Ralph Recto, Juan Miguel “Migz†Zubiri, Loren Legarda, Juan Edgardo “Sonny†Angara, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Grace Poe, Maria Lourdes “Nancy†Binay at Gregorio Honasan, habang humabol si Sen. Richard Gordon.
Habang naroon din sina Senators-elect Christopher “Bong†Go, Ronald “Bato†de la Rosa, Ramon “Bong†Revilla Jr., Lito Lapid, Imee Marcos at Francis Tolentino.
Gayunman, “no show” sina Sens. Cynthia Villar, Aquilino “Koko†Pimentel Jr., Francis Escudero, Panfilo Lacson at Senator-elect Pia Cayetano.
Hindi naman tumagal ng isang oras ang pulong dahil nagsumite na lang ang mga mambabatas ng listahan ng nais nilang pamunuang komite.
Narito ang inisyal na komite at mamumunong senador:
Gatchalian – basic education
Villanueva – higher education and skills training
Go – health
Dela Rosa – public order and dangerous drugs
Angara – finance
Lapid – games and amusement
Lacson – accounts / defense
Gordon – blue ribbon / justice
Binay – tourism
Poe – public services
Pacquiao – public works
Villar – agriculture
Cayetano – ways and means (suggested)