Isasagawa ngayong araw ng Philippine Sports Commission ang send-off ceremony sa halos 500 atleta na sasabak sa 19th Asian Games at 4th Asian Para Games sa Hangzhou, China.
Gaganapin ito sa Philippine International Convention Center (PICC) Reception Hall sa Pasay City.
Dadaluhan ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa event na gaganapin ng alas-11 ng umaga.
Inaasahang dadalo din ang mga sports officials mula sa Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Paralympic Committee (PPC) , iba’t-ibang National Sports Associations at Team Philippines Chef de Mission Richard Gomez.
Ang Asian Games ay mula sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 habang ang Asian Para Games ay mula Oktubre 22 hanggang 28.
Noong 2018 Asian Games kasi na ginanap sa Jakarta Indonesia ay humakot ng apat na golds, dalawang silvers at 15 bronze medals ang National team na nagtapso sa pang-19 na puwesto.
Ilan sa mga atleta na nanguna noong ay sina golfer Yuka Sas, weighlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal.