Isinagawa ang isang send-off ceremony nitong Miyerkules ng umaga, Enero 8, para sa mahigit 3,000 law enforcers mula sa iba’t ibang ahensya na naatasang tiyakin ang maayos at secure ang mga aktibidad sa 460th Fiesta Señor.
Kabuuang 3,031 tauhan ang ipapakalat nitong lungsod ng Cebu para sa taunang pagdiriwang kabilang ang 1,228 tauhan mula sa Philippine National Police; 200 mula sa Philippine Navy; 130 mula sa Bureau of Fire Protection; 100 na tauhan mula sa Philippine Army; 50 Philippine Coast guard personnel; 10 mula sa Department of Health; 100 mula sa Office of Civil Defense at City Disaster Risk Reduction adn Management Office; 620 na mga force multipliers at iba pang volunteer groups at iba pang pangunahing stakeholders.
Tampok sa seremonya ang koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok at dadalo sa pagdiriwang ng Sinulog festival.
Bilang karagdagan sa mga tauhan ng seguridad, pinakilos din ang mga disaster response team at medical unit, na nagpapakita ng kahandaan ng lungsod para sa anumang sitwasyon.
Ang mga tauhan na ito ay ipapakalat sa mga pangunahing lugar ng pagdiriwang, kabilang ang ruta ng parada, mga lugar ng konsiyerto, at iba pang mga lugar na may mataas na trapiko, para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng pasasalamat at suporta sa mga ito si City Mayor Raymond Alvin Garcia at kinikilala ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan upang maging ligtas at matagumpay ang pagdiriwang ng Sinulog.