LA UNION – Isinagawa kahapon ang send off ceremony sa mahigit 300 mga pulis na magsisibing augmentation force, sa nakatakdang VCMs distribution sa 19 na bayan at isang syudad dito sa lalawigan ng La Union.
Mula sa naturang bilang, 252 ang naggaling sa Police Regional Office habang 62 naman ang nagmula sa La Union Police Provincial Office (LUPPO).
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo La Union ni Pol. Major Silverio Ordinado, kasalukuyang Police Relation Officer ng LUPPO.
Una nang itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang deployment ng mga gagamiting vote counting machines sa araw ng halalan, sa May 8-9, 2019.
Pero sa ngayon, pansamantalang mananatili ang mga naturang pulis, sa police stations at idedeploy sa araw ng distribusyon ng mga makina sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.