-- Advertisements --
image 525

Binawi ni Jey Rence Quilario, a.k.a. Senior Agila, presidente ng Socorro Bayanihan Services Inc., ang kanyang kahilingan sa Senado na payagan siya at ang tatlo pang opisyal ng SBSI na bumoto sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Socorro, Surigao del Norte.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, unang humiling si Quilario ng 11 araw na pass mula sa kanyang patuloy na pagkakakulong, ngunit dalawang araw lamang ang ibinigay ng Senado para sa seguridad.

Sinabi ni Dela Rosa na nakabili na ng ticket ang Senado para sa apat na opisyal ng SBSI at sa mga security escort.

Gayunpaman, binawi ng grupo ang kanilang kahilingan matapos na hindi saklawin ng Senado ang pamasahe ng aide ni SBSI Vice President Mamerto Galanida.