-- Advertisements --
Alexandra Hall Hall
Alexandra Hall Hall

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang senior British diplomat sa US.

Ipinasa ni Alexandra Hall Hall ang pangunahing envoy para sa Brexit sa British Embassy sa Washington isang linggo bago ang general election sa United Kingdom.

Nakasaad sa resignation letter nito na dismayado siya sa mga political leaders na hindi naman niya pinagkakatiwalaan.

Kinumpirma naman ng isang opisyal ng Foreign Office ang pagbibitiw sa puwesto ni Hall Hall pero hindi na ito nagbigay pa ng anumang reaksyon.

Magugunitang nagdesisyon na tumakbo muli si UK Prime Minister Boris Johnson at tiniyak na matatapos ang Brexit.