-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng kasong illegal of possession firearms and illegal possession of explosives ang senior citizen na nasamsaman ng baril, bala at granada sa Brgy. San Bernardo, Cabagan, Isabela.

Ang suspek ay si Antonio Paguigan, 61 anyos, mag-asawa, self-employed at residente ng nabanggit na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Noel Magbitang, hepe ng Cabagan Police Station na nasamsam sa suspek ang isang black Armscor Cal. 45 na may isang magazine at loaded ng 7 bala, isang bala ng 9mm at isang hand grenade.

Ang suspek ay matagal nang inirereklamo dahil sa pag-iingat ng baril kaya nagsagawa ng search warrant ang pulisya.