-- Advertisements --
BAGUIO CITY–Natagpuang bangkay kanyang mismong bahay dito sa lungsod ng Baguio City ang isang senior citizen.
Nakilala itong si Jones Boneing Piluden, 72-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.
Base sa report, natagpuan ng pamangkin ng nasabing indibidual ang bankay nito sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.
Agad inireport ni Pauleen Yackwan ang insidente sa pulisya na agad namang rinespondehan ng Baguio City Police Office.
Ayon sa imbestigasyon, maraming sakit ang biktima katulad ng heart failure, prostate cancer at iba pa.
Kinumpirma naman sa medico legal ng bankay na atake sa puso ang ikinamatay ni Piluden.
Nakaburol sa ngayon ang bankay sa isang punerarya sa Marcos Highway dito sa lungsod ng Baguio.