CENTRAL MINDANAO-Natagpuan na ang labi ng nawawalang Ginang sa kasagsagan ng bagyong paeng sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Adila Magalso Cedeño,66 anyos at residente ng Pigcawayan Cotabato.
Ayon kay Pigcawayan Mayor Juanito “Totoy” Agustin na nahukay ang bangkay ni Cedeño sa Barangay Balogo riverside.
Matatandaan na ang biktimang ay inanod ng baha habang nasa loob ng kanyang bahay.
Agad nagpadala ng tulong ang Alkalde sa pamilya ni Cedeño.
Sa datos ng Pigcawayan LGU, abot na sa 74 na mga bahay ang totally damage, 254 ang partially damage at isa ang naitalang nasawi.
Nasa 35 milyon pesos ang sinira ng bafha sa mga pananim at 2.5 milyon pesos sa mga alagang hayop.
Sa kabuuan, abot na sa P37, 500,000 ang danyos sa agrikultura sa bayan.