-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang isang senior citizen matapos nakuryente sa Barangay San Antonio, Cuartero, Capiz.

Kinilala ang biktima kay Diofolo Delfin, 61 taong gulang, guro sa Onato Memorial High School.

Base sa impormasyon mula sa Cuartero Municipal Police Station, nag-charge umano ng baterya ng kaniyang sasakyan ang biktima ng bigla na lamang itong nakuryente.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.