KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos maitala ang sunod-sunod na insidente ng pamomomba sa bahagi ng Sultan Kudarat-Maguindanao border.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Koronadal, land conflict ang tinitingnang motibo sa pagsabog sa bahagi ng Brgy. Bagumbayan sa bayan ng President Quirino kung saan ayon kay Bagumbayan Kapitan Dominador Cañaveral, matagal na umanong may alitan ang mga taong naninirahan sa naturang lugar kung pinag-aawayan kung sino ang totoong may-ari.
Samantala, nagpapagaling naman sa ospital ang senior citizen na si Antonio Ancheta Sr. ng Prk. 2, Brgy. Bagumbayan matapos magtamo ng sugat mula sa shrapnel ang biktima dahilan na in-amputate o pinutol ang kaniyang paa.
Sa ngayon, nababahala ang mga residente na posibleng maulit pa ang mga pagsabog kaya nananatiling alerto ang mga otoridad.