-- Advertisements --

DAVAO CITY – Takot na dumulog sa kapulisan ang isang Senior Citizen matapos na mabiktima ng scammer. Kinilala ang biktima na si Edwin Sotto, 64 anyos na residente sa Catalunan Grande, Davao city.

Ayon sa matanda, nakatanggap siya ng tawag sa di kilalang lalaki na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army o NPA at binantaan umano siya na papatayin ang kanyang pamilya kung hindi siya makakapagpadala ng pera. Makalipas ang ilang araw ay tumawag na naman ang scammer ay hiningan na naman siya ng Php 30,000.

Ayon sa biktima, takot ang nagtulak sa kanya upang magpadala ng pera at hindi na niya naisip pa na na scam na siya.
Patuloy ngayong iniimbestigahan ng Cybercrime unit ang insidente. Isa lamang si Sotto sa libu-libong naging biktima ng scam na umasa sa pagpapatupad ng Sim Card Registration Law.