NAGA CITY – Patay ang isang senior citizen matapos mabangga ng motorsiklo sa Dolores, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Maurita Dichoso Magno, 67, residente ng Barangay Bungoy, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tumatawid ang biktima sa kalsada sa nasabing lugar nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo na minamaneho ng suspek na kinilalang si Archie Pasco Gonzales, 32.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa pagamutan ngunit ideniklara na itong dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, patuloy ang paghahanap sa suspek na kaagad na nakatakas matapos ang nasabing insidente.