-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang senior citizen matapos na mabundol ng isang motorsiklo sa Zone 2, Brgy. Sta Justina, Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Helen Parcero Nacario, 67, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang tumatawid ng kalsada ang biktima sa nang aksidente itong mabundol ng isang motorsiklo na minamaneho ni Jeffrey Soperabli, 29, residente ng Zone 6, Barangay Salvacion, Buhi Camarines Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng sugat sa iba’t -ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Buhi Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.