ILOILO CITY – Patay ang isang senior citizen na nagmamaneho ng motorsiklo matapos masagasaan ng isang pribadong sasakyan na pinaniniwalaang kinarnap nang tumakas sa police checkpoint sa Balasan, Iloilo.
Ang biktima ay si Alejandro Navales, 63, residente ng Barangay Camambugan sa nasabing bayan .
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Maj. Samuel Vipinosa, hepe ng Balasan Municipal Police Station, sinabi nito na hinabol pa ng mga pulis si Gerry Aldrine Bazar, 33, ng Fairville Subdivision, Sta. Barbara, Iloilo dahil ito tumigil sa checkpoint sa Pilar, Capiz.
Kaagad na nakipag-ugnayan ang Pilar Municipal Police Station sa Balasan PNP kung saan patungo ang sasakyan.
Ngunit dahil sa mabilis na takbo nito, nabundol ang nasabing matanda na ikinasawi nito.
Nahuli naman si Navales at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.