-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang senior citizen nang mabangga ng motorsiklo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Juning Gulmayo, 70, residente ng Barangay Pag-asa, M’lang, Cotabato.

Ayon sa ulat ng M’lang PNP na patawid ang matanda sa kalsada nang mabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Mark Pedrigosa,

Nag-overtake umano si Pedrigosa sa isang sasakyan at matulin ang takbo ng kanyang motorsiklo kaya hindi napansin nito ang papatawid na biktima.

Naisugod pa si Gulmayo sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tindi ng sugat sa kanyang ulo.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng M’lang PNP ang driver ng motorsiklo at nakatakdang sampahan ng kaso.