-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang senior citizen matapos inatake sa puso dahil nasunog ang kanyang bahay kaninang madaling araw sa Purok Lower Acharon, Calumpang nitong lungsod ng Heneral Santos.
Ang biktima na si Adelaida Mahinay, 67 anyos, ay tinangka na bumalik sa kanyang bahay pero napigilan ng mga kapitbahay.
Dahil sa nangyari ay nawalan ng malay kaya dinala sa ospital pero binawian rin ng buhay.
Ayon kay SFO1 Perfecto Roda Jr., investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) GenSan na nasa sa P900,000 ang dayos sa naturang sunog.
Marami sa mga boarders ay wala sa kanilang bahay ng mangyari ang sunog dahil trabaho sa
canning factory.
Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng naturang sunog.