-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang senior citizen matapos na pagsasaksakin sa Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Manaog, 65, residente ng Barangay Del Rosario sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang suspek na kinilalang si Sopio Baldoza, 54, residente rin sa nasabing lugar, nang bigla na lamang umano nitong pinagsasaksak ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.