KORONADAL CITY – Nagresulta sa pagkamatay ng isang senior citizen sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kasunod ng binitawang mandato ni President Rodrigo Duterte na ipapasara ang lahat ng operasyon ng Kabus Padatuon o KAPA International Inc. ni Joel Apolinario.
Ayon sa report ng Polomolok PNP, labis umano itong ikinalungkot ng biktima na kinilalang si Percival Alojado, 76-anyos at residente ng nasabing bayan.
Naghulog din daw kasi ng pera ang biktima na aabot umano sa P400,000, samantalang ibinunyag naman ng anak ng biktima na si Ambrose Alojado, halos P1-milyon ang kabuuang in-invest na pera ng kanilang pamilya sa KAPA.
Kaugnay nito, labis umano na nakaapekto sa kalusugan ng matanda ang nasabing balita dahilan upang ito ay inatake sa puso at namatay.
Sa ngayon, panawagan ng naiwang pamikya sa gobyerno na tulungan sila na upang maibalik ang kanilang perang ipinasok sa KAPA.
Labis din ang pagdadalamhati ng pamilya Alojado sa pagkamatay ng kanilang ama.