-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isa ng 67 anyos na lalaki ng itoy mabangga ng isang pick-up truck dakong alas 6:40 nitong gabi ng Huwebes sa probinsya ng Cotabato.

Nakilalala ang biktima na si William Cadeliña na residente ng Barangay Poblacion Makilala Cotabato.

Ayon kay Makilala Chief of Police Major Arniel Melocotones na papatawid si Cadeliña mula sa kabilang lane ng national highway sa Brgy Poblacion sa bayan ng Makilala nang mabangga ito ng paparating na pick-up truck.

Imbes na tulungan ng driver at dalhin ang biktima sa pagamutan ay humarurot ang pick-up truck.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng matinding sugat at bali sa kanyang katawan.

Hiling ngayon ng pamilya na sumuko sa pulisya ang driver ng pick-up at panagutan ang nangyaring aksidente.