-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Puspusan ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng isang senior citizen na nasawi dahil sa COVID-19 sa barangay Tuguegarao, Echague, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Kiko Dy ng Echague , kinumpirma nito na mayroong senior citizen na nasawi dahil sa COVID 19 nitong Sabado at lumabas ang SWAB test ngayong araw ng Linggo na positibo sa virus.

Nagtutulungan na ang DOH ar RHU upang magsagawa ng contact tracing.

Ang nasabing pasyenteng nasawi ay walang travel history kaya sinisiyasat nang mabuti kung mayroong local transmission sa nabanggit na barangay.

Sa bahay lamang nanatili ang senior citizen bago dinala sa pagamutan para ipagamot.

Isinailalim na rin sa MGCQ ang Barangay Tuguegarao, Echague kung saan pinagbabawalan muna ang mga mamamayan na lumabas sa kanilang barangay upang maisagawa ang contact tracing.

Sinabi pa ng Punong Bayan na ang first contact ng pasyenteng nasawi ay dadalhin nila sa kanilang quarantine facility habang ang second to 10th contact ay isasailalim sa strict home quarantine.

Himihingi ngayon ng pang-unawa ang punong bayan sa kanyang mga nasasakupan dahil sa pamamagitan ng ipinapatupad nilang health protocols ay layuning pangalagaan ang kanilang kalusugan.

Ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente ng Barangay Tuguegarao ay nakahandang tugunan ng mga kasapi rescuers, RHU at ilang kawani ng pamahalaang lokal.