BUTUAN CITY- Nagsimula ng manawagan ang gobyerno nga probinsya ng Surigao del Sur sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO) sa lahat ng mga senior citizens sa lalawigan para magparehistro sa kani-kanilang barangay o sa kanilang rural health units para sa magsisimula na ng vaccination roll out ng mga senior citizens na siyang susunod sa priority list matapos na mababakunahan ang mga frontline health workers.
Ayon sa provincial health office, bagama’t limitado lamang ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 na dumating sa naturang probinsya kung saan ang mga nakarehistro lamang ang mabigyan ng prayuridad kaya hinikayat ang lahat ng mga senior citizens na magpalista na para mabigyan ng proteksyon pati na rin ang kanilang pamilya at komunidad kontra sa naturang sakit.
Sa katunayan, walang dapat ikabahala o ikatakot sapagkat bago pa man maturukan kinailangan nga dadaan muna sa screening.