-- Advertisements --

Napatay ng Israel Defense Forces ang isa sa senior commander ng Hezbollah.

Si Mohammed Nimah Nasser ay nasawi matapos ang air strike ng Israel sa southern Lebanon.

Siya ang pinakahuling senior member ng Iran-backed Lebanese armed group na target ng Israel ng halos siyam na buwan.

Inakusahan ng Israel si Nasser na siyang naghasik ng mga terorismo at responsable sa pagpapalipad ng mga rockets mula sa south-western Lebanon.

Bilang ganti ay nagpalipad ng mahigit 100 missiles sa Israeli military position subalit walang natamaan.