-- Advertisements --
Ipinagmalaki ngayon ng Israeli military na kanilang napatay sa pag-atake ang senior Hamas commander sa al-Mawasi humanitarian area.
Kasama si Osama Ghanim ang senior Hamas member at ilang mga Palestinian fighters ang nasawi sa insidente.
Sa kabuuan ay aabot sa 20 katao ang nasawi at marami ang sugatan sa air strikes ng Israel.
Sa nasabing pag-atake ay ikinagalit ng Medical Aid for Palestinians (MAP) ang British aid charity dahil nasira ang nasa 40 na tents sa kampo kung saan nandoon ang mga staff nila.
Nanawagan ang grupo ng ceasefire dahil sa itinuturing nila ang lugar bilang safe zone.