-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ang isang senior high school student sa ikinasang buy bust operation ng PDEA at kapulisan sa Purok 3 Sitio Habana, Barangay Catigan, Toril District kahapon. Tinatayang aabot sa P1.3 Milyon na marijuana ang nakuha sa naturang binatilyo, na numero uno sa Drug Watchlist sa Davao Region.

Kinilala ng otoridad ang suspek na si Prince Ian Sambalud, 18 anyos, estudyante at residente ng NHA Village Buhangin, Davao City. Naging matagumpay ang operasyon ng nakigpag transaksyon ang suspek sa operatiba at nabilhan nga ito ng marijuana sa halagang P5,000.

Maliban dito ay nakuhaan din ang suspek ng 11 bricks ng marijuana na may timbang na 11.37 kilos. Nasa kustodiya na ng kapulisan ang binatilyo habang inaasikaso na ang kasong kakaharapin nito.