KALIBO, Aklan—Puspusan ang paghahanda ni Shyra Asister, ang kinatawan ng bansa sa 27th annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa Longbeach, California, USA sa darating na June 28 hanggang July 7, 2024.
Ayon sa 18-anyos na singer na residente ng isla ng Boracay, nakahiligan na nito ang pagkanta hanggang sa umabot sa national competitions kung saan, mismong ang kaniyang mga kaanak ang nagpakilala sa kaniya ng musika.
Dagdag pa nang dalaga na “winners never quit and quitters never win” kung kaya’t pinagsikapan niya na makilala sa larangan ng musika hanggang sa matagumpayan ang buong suporta ng kaniyang mga magulang dahil sa napatunayan nito ang kaniyang galling sa pagkanta.
Ang nasabing international competition ay itinuturing na Official “Talent Olympics” para sa mga aspiring performers and entertainers kung saan, ang selections for official contestants ay ginanap sa Estados Unidos, Canada, Caribbean, Central and South America, Europe, Asia and South Africa.
Ang highlights ng nasabing event ay kinabibilangan ng Parade of Nations, a Worldstars Boot camp and a global webcast kung saan pipiliin ang Grand Champions of the World.