-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si First Lady Liza Marcos sa mga sentimiyento at saloobin nito laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang panayam sa Occidental Mindoro sinabi ng Punong Ehekutibo na hindi sanay sa pulitika ang kaniyang asawa.

Sinabi ng Pangulo na hindi kasi gaya nila na manhid na sa mga pang-iinsulto ng mga kalaban sa pulitika at mga kritiko.

Ang first lady kasi ay hindi galing sa pamilya ng mga pulitiko.

Ayon kay Pang. Marcos, mukhang kailangan pang matuto ng Unang Ginang na magpalagpas ng masasakit at maaanghang na salita.

Pero natutuwa naman ang Presidente at maswerte daw sya na very protective sa kanya ang first lady.

Hindi naman anya ito masisisi kung sumama ang loob sa mga hindi magagandang sinabi laban sa kanila.

Una ng sinabi ng Unang Ginang na hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtawa ni VP Sara ng sabihan na bangag si Pang. Ferdinand Marcos.